Talab
Isang paghahanap sa mga bagay na may kabuluhan at kapangyarihan.

Aug
03

past is past, men!

Eto ba? Lumang tugtugin na to, brod.

Read the rest of this entry »

Aug
01

Dear Mommy Mile,

Namromroblema po ako. Nakakainis kasi yung room mate ko. Ang usisero! Lagi nalang po siyang sumisilip sa laptop ko sa tuwing gumagamit ako. Hindi naman po ako nagpo-porn (pramis, hindi po talaga), pero nakakairita talaga. Talagang nakakaistorbo siya sa ginagawa ko (hindi porn yun, Mommy Mile, I swear).  Hindi po ako maka-concentrate, lalo na kung busy ako (gaya nga po ng sabi ko kanina, hindi nga po porn ang inaatupag ko). Gusto ko na nga siyang sapakin pero mabait naman siyang tao. Parang hindi worth siyang i-suplex. Ano po ba ang dapat gawin?

Engelbert

~

Engelbert,

Una sa lahat, ang defensive mo. Oo na, hindi porn. Nagets ko. Gagong ito.

Kung ayaw mo siyang sapakin, bat hindi mo daanin sa malumanay na pag-uusap? Alam mo yun, lalaki sa lalaki. Sabihin mo na ayaw mo yung ginagawa niya, at naiistorbo ka sa mga ginagawa mo sa laptop mo. Hindi nga tama na nakikiusisa siya sa porn ng may porn. Ay, oo nga pala, hindi pala porn yung ginagawa mo. Sorry.

Kung hindi pa siya titigil matapos mo siyang kumprontahin, wag mo siyang sasapakin. Never ka papayuhan na mag-resort sa violence dito sa Dear Mommy Mile. Ikaw nalang ang mag-adjust. Sabi nga nila, it is easier to change yourself than to change other people (naks).

May nakita ako sa internet na magandang produkto na siguradong makakatulong sa problema mo. Ife-feature ko sana ito sa What the Fuck Picture of the Day dito sa Talab, kaso bigla ka namang sumulat. Ang galing naman ng timing mo. Eto o:

O diba. Tingnan natin kung makasisilip pa yang usisero mong room mate.

Jul
27

Gumawa ako ng blog na para lamang sa aking mga akda.
Hindi ko sasabihin, kasi kung mahal niyo ako, hahanapin niyo. Belat.

Wasak! 😀

UPDATE: Para sa mga nakakaaalam na ng blog ko, maari na kayong mag-comment. Inayos ko na ang commenting system doon. Sa mga hindi parin nakahahanap, mahalin niyo pa ako, baka sakaling maliwanagan kayo. Wasak.

Jul
26

Habang binubuhol ko ang hangin,iniisip
ko kung nahihila ko ang mga bituin
papalapit sa akin. Sapagkat hindi

maaari, ang sabi ng pantas, mahiwaga
ang grabedad, mali ang paniniwalang
magtiwala sa mga pagbulusok at pagdating
ng mga kometa, isang trahedya.
Huwag mangangarap sa mga nalalagas: luha
ng kandila, natuklap na mukha
ng bulaklak, kalansay ng buhangin, abuhing
mga tala … sa kanilang pagbagsak, huwag
sasama. Matapos ang atas ng pantas,

magpapalipad ako ng guryon.

~

Ang kauna-unahang rengga.

JC at Miles

Hulyo 26, 2009

Jul
22

Sabi ko sa sarili ko magpapagupit ako at magpapakulay ng buhok matapos ang Aegis photoshoot ko sa August 3.

Heto ang naiisip kong gupit:

digs?

Picture0098

So, watchatink?