Talab
Isang paghahanap sa mga bagay na may kabuluhan at kapangyarihan.

Oct
22

virgin ka pa ba?

Introducing, from the shelves of Watson’s SM North Edsa, It’s the Yoko Virginity Soap!

Ano nga ba ang magagawa ng Yoko Virginity Soap para sa mga kababaihan, mga kaibigan? Aba, mabuti curious kayo. Sabi sa likod ng kahon ng produktong ito (na kung mamarapatin ninyo ay papaikliin ko ng kaunti): “Aside from rejuvenating your skin to bring out its virgin glow, it also acts to tighten your vaginal muscles.”

Oo, mga kaibigan, hindi kayo namalikamata!  IT ACTS TO TIGHTEN THE VAGINAL MUSCLES!  Sisikip ang…ang…ayokong sabihin! Itz a mirakol!

Para sa murang halagang P99.oo,  hindi lang amoy mo ang magiging fresh sayo pagkatapos mo gamitin ang sabong ito!

Yoko Virginity Soap. Sasariwa ka talaga!

~

(Mga men, totoong nasa likod ng packaging yung sinabi ko sa itaas. Kung anu-anong shit nalang ang naiisipan ng taong ibenta.)

Aug
27

Para sa lahat ng mga malayo sa kanilang mga kasintahan:

…pretend the coworker who’s flirting with you has gonorrhea.

-Men’s Health

Aug
06

Talagang walang pinipiling oras at venue ang subconscious natin.

WASAK!

Wasak kang journalist ka! Isa kang Tunay na Lalake!

(Ang wasak na clipping na ito ay mula sa Manila Bulletin.)

Aug
05

Introducing ang bagong subcategory ng WTF series ng Talab, ang Ultimate WTF Video of the Day. YayClapness!

Panalo ito, pramis!

Aug
04

[Binuksan niya ito habang iniisip,] bakit kelangang maging ganito kakumplikado ang pagsusulat? Bakit hindi puwedeng gaya na lang sa tunay na buhay, hindi kailangang lahat ng bagay pinaliliwanag, nakakakilos ang tao maski walang dahilan, wala lang, maglasing ka man o pumatay ng asawa, no regrets, sa ending ay puwedeng bigla na lang magpalit ng isip ang isang anak at ang mundo ng ina ay 30 degrees na babaliktad.

– Mula sa “Para Kay B” ni Ricky Lee

Buhay nga naman. Parang ipinipritong tokwa lang.