Kung susumahin.
Bago ako naging isang alagad ng siyensya ay isa akong manunulat. Ang pagtigil ng panandalian sa pagsusulat ay nakakamatay kaya’t heto.
Sinasabi nila na hindi ka maaring maglingkod sa dalawang amo. Pero heto ako, nagsusulat sa dalawang lenggwahe. Kasalanan ba ito? Sa palagay ko’y hindi, dahil para sa akin ay may mga sulatin na mas magandang isulat sa Ingles, at mayroon naman na sa Filipino nababagay. Hindi ito diskriminasyon, ngunit isang paglalagay sa tama ng mga laman ng isipan.
Tumutula ako dahil maraming bagay sa buhay ko at sa mundong ito na mas maganda isilid sa mga taludtod kaysa sa mga saknong.
Ako si Miles Domingo, 20 taong gulang, isang Atenista.
~
Email: milesdomingo@ymail.com | miles.domingo@gmail.com
Deviantart: www.lynnmaxwell.deviantart.com
Multiply: www.lynnmaxwell.multiply.com
Twitter: http://twitter.com/milesdomingo
I visited your Deviantart account. Ayos yung Orange cirrus mo. Thumbs up!
Ako din nga pala nagba-blog sa filipino at english. dipende sa paggana ng utak ko.
Jenn - October 21, 2009 at 1:31 pm |
Thanks!
milesdomingo - October 22, 2009 at 3:40 am |